Wanted sa ngayon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy.
Sa inilabas na “Wanted” posters ng FBI, wanted umano si Quiboloy dahil sa aligasyon ng kanyang partisipasyon sa labor trafficking scheme kasunod sa pagpapadala ng mga miyembro ng simbahan sa Amerika gamit ang mga “fraudulently obtained visas”.
Wanted rin umano ito sa sex trafficking by force, sex trafficking to children, fraud, coercion at bulk cash smuggling.
Ayon pa sa FBI, wanted rin ito sa umano’y pamumuwersa sa mga miyembro na manghingi ng donasyon para sa mga ‘bogus’ charity.
Ang mga donasyon diumano ay ginagamit sa opeasyon ng simbahan at para tustusan ang “lavish lifestyles” ng mga lider.
"Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a Philippines-based church is wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyles of its leaders," ayon sa wanted poster ng FBI.
Isinawalat rin ng FBI ang diumano’y tinatawag na “night duty” ng kanyang mga babaeng personal assistant na binansagang mga ‘pastorals’ na kailangang makipagtalik kay Quiboloy matapos siyang bigyan ng mga ito ng masahe.
Maliban kay Quiboloy ay wanted din ang dalawa pang church members na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Comments
Post a Comment