Presyo ng asukal, tumaas

Umaaray na ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo ng asukal sa mga merkado sa bansa.

Ayon sa ilang mga supplier, ito ay dulot ng mga nagdaang bagyo dahilan para mabasa ang tone-toneladang suplay ng mga asukal sa Visayas at Mindanao.

May malaking epekto rin umano dito ay nararanasang pandemya dahil sa Covid-19. 

Sa ngayon ay umaabot na sa P65.00 kada kilo ang itinaas ng presyo ng puting asukal habang ang pulang asukal naman ay P50.00 na ang kada kilo mula sa dating P45.00

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay nagsimulang tumaas ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration, walang dahilan para tumaas ang presyo ng asukal sa merkado.

Comments