Lalaking naka-inom, patay matapos malunod sa Taal Lake

 

Patay ang isang 25-anyos na binata matapos na malunod sa Taal Lake sa bahagi ng Brgy. Palsara, Balete, Batangas pasado alas-6:00 ng gabi noong Linggo, Pebrero 13, 2022.

Kinilala ng Balete Municipal Police Station ang biktima na si Jonathan More Versoza, isang helper mula Sta. Rosa, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pusil, Lipa City, Batangas. 

Ayon sa imbestigasyon, inihayag ng testigo na si Michael Acutin na lumangoy umano sa lawa ang biktima kahit na ito ay nasa impluwensiya ng alak.

Makaraang umano ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nakaahon hanggang sa hindi na mahanap ng mga kasama. 

Agad na humingi ng saklolo si Acutin hanggang sa natagpuan ang biktima at maiahon sa lawa ngunit wala na itong malay.

Dinala pa ang biktima sa Metro Lipa Medical Center sa Lipa City ngunit binawian rin ng buhay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Courtesy: Brigada Batangas 


Comments