Nahaharap ngayon sa kaso ang isang lalaki matapos na maaresto dahil sa paglabag sa election gun ban sa Lian, Batangas.
Kinilala ang suspek na si William Martinez y Austria, 30 anyos, may asawa, isang utility man at residente ng Brgy. Kapito, Lian, Batangas.
Sa report mula sa Brigada News FM, nakita umano ng mga rumespondeng pulis na hawak ng suspek ang baril sa labas ng kanyang bahay pasado alas-10 ng gabi noong Enero 25.
Narekober mula sa suspek ang isang unit ng Caliber 38 revolver na may serial number 924192 at may limang bala.
Nakuha rin mula sa kanya ang isang fired cartridge case ng naturang armas.
Particular na kakaharapin nito ang kasong paglabag sa RA 10591 (Omnibus Election Code- Gun Ban).
Comments
Post a Comment