4 na sabungero, huli sa Tanauan City, Batangas

Arestado ang apat na mga kalalakihan sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad kontra tupada sa Sitio Mahabang Buhangin, Brgy. Maria Paz, Tanauan City, Batangas ganap na ika-1:50 kaninang hapon.


Kinilala ng Batangas PNP ang mga naaresto na sina Avelino Lumbera y Martinez 53 anyos, residente ng Brgy. Palsara, Balete Batangas; Ronald Liwanag y Landicho, 46; Frederick Orense y Gonzales, 42 taong gulang; John Francis Orense y Tenorio, 21, pawang mga mangingisda at residente ng Sitio Mahabang Buhangin, Brgy. Maria Paz, Tanauan City.




Ito ay kasabay sa patuloy na anti-illegal gambling operations ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director at pangangasiwa ni PBGEN ELISEO DC CRUZ, Regional Director PRO CALABARZON.

Isinagawa ng mga tauhan ng Tanauan CPS ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis sa iligal na sabong sa nasabing lugar.

Comments