3 arestado dahil sa ibinebentang fake vaxcard sa Pasay City

Nakadetina na ngayon ang isang lalaki matapos na maaresto dahil sa pag-iimprenta ng mga pekeng vaccination card.


 Ayon sa Pasay City Police Station, kinilala ang suspek na si Marcelo Cabansag, residente ng naturang lungsod. 

Nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Falsification of Public Documents in relation to RA 11332.

Base sa imbestigasyon, nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad kung saan aktong nahuli ang suspek na nag-iimprenta ng pekeng vaccination card.

Samantala, timbog rin ang dalawang barker ng bus sa Malibay, Pasay City dahil sa pagbebenta umano ng pekeng vaccination card sa mga pasahero.

 Kinilala ang mga ito na sina Alex Bataya, 39 anyos at Eddie Garcia, 46 anyos.

 Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng report ang Pasay CPS na may nagbebenta ng pekeng vaxcard sa isang bus terminal sa Malibay sa halagang 500 pesos.

 Agad itong pinuntahan ng mga kapulisan at nakumpirma ang iligal na gawain ng mga suspek.

 Narekober sa mga ito ang mga pekeng vaxcard at cellphone na naglalaman ng kanilang mga iligal na transakyon.

Comments