20 huli sa Comelec gun ban sa Batangas

Umabot na sa 20 katao ang nahuli ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa buong Lalawigan ng Batangas.


Ito ay kasabay sa mga nakatalagang checkpoint sa bawat nga bayan at lungsod sa lalawigan magmula ng ito ay ilunsad noong Enero 9, 2022.

Ayon sa datus ng Batangas Police Provincial Office, ang huling insidente nito ay ang isang indibidwal ang nagpaputok ng baril matapos umiwas sa checkpoint na isinasagawa ng mga tauhan ng Calaca Municipal Police Station.

Nagpapatuloy ang simultaneous PNP-COMELEC Checkpoint operations sa lalawigan upang matiyak ang seguridad ng lahat ngayon panahon ng eleksyon.

Comments